Noong nakaraang mga buwan, mula Enero hanggang Marso, nakapagbasa ako ng labindalawang libro. Sa mga buwan naman ng Abril hanggang Mayo, nakapagbasa ako ng sampu. 22 na ang lahat ng bilang ng mga libro na aking binasa mula sa tunguhing 36 na libro ngayong taon (3 kada buwan).
Abril (5):
13. The Myth of the Lazy Native (1977) ni Syed Hussein Alatas
14. Black Skin, White Masks (1952) ni Frantz Fanon
15. Hardly War (2016) ni Don Mee Choi

16. Si Tandang Basio Macunat (1885) ni Miguel Lucio y Bustamante
17. Ang Diablo sa Filipinas (1886) ni Isabelo de los Reyes (salin nina Benedict Anderson,
Carlos SardiΓ±a Galache, at Ramon Guillermo; limbag ng Anvil noong 2014)
Mayo (5):
18. Maralita at Kaawa-awang Buhay nang Magsusugal at Maglalasing (1883) ni Juan Dilag
19. Isabelo's Archive (2013) ni Resil B. Mojares
20. The Allure of the Archives (1989) ni Arlette Farge
21. Iraqi Christ (2013) ni Hassan Blasim
22. A Little Lumpen Novelita (2002) ni Roberto BolaΓ±o
Dulot ng mga sabjek na aking kinukuha sa gradwadong pag-aaral, naging tuon ng aking pagsusulat at pagbabasa ang mga tekstong inilimbag noong ikalabinsiyam na siglo. Sa pagbabasa ko ng The Allure of the Archives, lalo kong napagtanto ang kahalagahan ng arkibo bilang higit pa sa imbakan ng mga lumang dokumento. Para kay Arlette Farge, ang mga tekstong matatagpuan dito ay may kakayahang maglapit sa atin sa buhay, gunita, at karanasan ng mga taong nabuhay sa ibang panahon. Sa bawat pahina, tila muling nagkakaroon ng tinig ang mga taong matagal nang nawala sa kasaysayan.
Ganito ko rin binasa ang teksto ni Dilag. Bukod sa pagiging isang akdang moralistiko, nakita ko rin dito ang mga bitak upang masilip ang mga kontradiksiyon ng kolonyal na lipunan. Sa likod ng mga babala laban sa pagsusugal at paglalasing, mababanaag ang mga suliraning panlipunan, ekonomikong pananamantala ng imperyong Kastila, at mga anyo ng kapangyarihang humuhubog sa buhay ng mga tao noong panahong iyon.
Habang mas marami akong nababasang kolonyal na teksto, lalo kong napagtatanto na ang kasaysayan ay espasyo ng pagtatanong. Sa bawat muling pagbasa sa mga akda ng nakaraan, nagiging posible na makita, nang sabay, ang mga dominanteng kaisipan ng isang panahon. Ang pagbabasa ng arkibo, kumbaga, ay paraan din ng pag-unawa sa kasalukuyan. Marahil ito ang dahilan kung bakit patuloy akong nahihikayat na bumalik sa mga lumang aklat at dokumento.