Sa loob ng mga buwan mula Enero hanggang Marso, nakapagbasa ako ng 12 na mga libro. Narito ang mga librong binasa ko:
Enero (6):
1. Wayang Alimagnum (2025) ni Joel Donato Ching Jacob
2. From the Fatherland, with Love (2005) ni Ryu Murakami
3. The Woman with the Flying Head and Other Stories (1997) ni Yumiko Kurahashi
4. Between Empires: MartΓ, Rizal, and the Intercolonial Alliance (2013) ni Koichi Hagimoto
5. Interrogations in Philippine Cultural History (2017) ni Resil B. Mojares
6. Mga Prodigal (2010) ni Luna Sicat-Cleto
Pebrero (2):
7. Archives of Authority: Empire, Culture, and the Cold War (2012) ni Andrew N. Rubin
8. Finks: How the CIA Tricked the World's Best Writers (2017) ni Joel Whitney
8. Finks: How the CIA Tricked the World's Best Writers (2017) ni Joel Whitney
Marso (4):
9. Ella Arcangel: Lupa at Dugo (2026) ni Julius Villanueva
10. Ang Dios ng mga Kambing (2025) ni Napoleon Arcilla III
11. White Turtle (1999) ni Merlinda Bobis
12. Discourse on Colonialism (1950) ni AimΓ© CΓ©saire
Sa unang buwan, malay ang aking seleksyon ng mga babasahin. Pinili kong magbasa ng mga nobela mula sa bansang Japan. Narito ang aking tala para sa nobela ni Murakami:
Sa pagtatapos ng lahat, ang buod at ubod ng imahinasyon ni Ryu Murakami ay may materyalistang sandigan. Kumbaga, kayang-kaya at handang-handa si Murakami na ipaliwanag at ilarawan ang pinakanakasusulasok na mga bagay at pangyayari sa Japan. Narito ang isa sa huli kong highlight sa librong ito: ''Real life was full of troubles and problems. Post-war Japan had avoided facing up to reality by depending on America for protection. Countries like that refine their own society and culture as they cruise along with a false sense of reality, but eventually they lose their drive and decline.'' Ang lahat ng libro ni Murakami, kung sisipatin, kung susuriin, kung susumahin, ay tumatalakay sa dahan-dahan at gradwal na pagpapatihulog ng Japan sa bangin ng kapitalismo at imperyalismo.Pagdating ng Pebrero, sinimulan ko na rin ang aking personal na imbestigasyon sa pagkakabitag ng panitikan sa sapot ng Cold War. Sa mga susunod na buwan ay babalikan ko ang iba pang mga libro.
Samantala, sa buwan ng Marso, narito ang napakahuhusay na grapikong nobela ni Villanueva, transgresibong koleksyon ng maikling kuwento ni Arcilla, at mahinahong matalas na agam-agam ni Bobis hinggil sa kasaysayan, kolonyalismo, at imperyong pinaghaharian ng mga lalaki.
Napakasaya ng aking danas sa pagbabasa sa mga buwang ito: natapos ko na rin ang 600 na pahinang nobela ni Murakami, pagkabatid na Mga Prodigal ang paborito kong Luna Sicat-Cleto, pagkasabik sa mga librong tumatalakay sa komplisidad ng panitikan noong Cold War, pangarap at bangungot ng maraming Pilipino sa katauhan ng mga residente ng Barangay Masikap sa grapikong mga kuwento ni Villanueva, at iba pa!
Mayroon akong personal na reading goal ngayong taon: maka-36 na libro. Ibig sabihin, sa bawat buwan, inaasahang makapagbasa ako ng tatlong libro. Mukhang ang pagbabalik-loob ko sa pagbabasa noong 2020 ay nakalikha ng disiplinado't tila-paghinga-nang gawain sa akin.
***
Sa lipunang lumilikha sa atin sa kasalukuyan, iigpaw tayo sa pagbabasa ng mas marami pang libro. Sa lipunang ating lilikhain ngayon at sa hinaharap, mas makapagbabasa pa tayo ng napakaraming mga libro.